Did you miss your monthly period? Nakakaramdam ka ba ng nausea,
vomiting, craving for food, mood swings, frequent urination at medyo may
katamaran ang nararamdaman hahaha… Naku, malamang preggy ka! Pero chillax lang, that's the best thing to happen in your life, ang maging isang mommy. Just to
lighten up your feelings as a first time mommy, tara
pag-usapan natin habang ikaw ay nagdadalangtao.
Credit: Joy Reflected
http://chelseythall.com/a-sweet-blessing
Ano nga ba ang pregnancy? From my own definition… it’s the term
used when a woman is giving new life for her soon-to-be-baby
girl/boy/bakla/tomboy. O, wag kang matawa, serious ako ha… Lol. This is surely
every woman's dream. May kaba but there’s the excitement dahil magiging mommy ka
na. Yung feeling na hindi mo ma-explain kasi first time mommy ka pa lang. Ako
din naging first time mommy din.
I still remember nung delayed ako ng 3 weeks, irregular kasi ako
nuon. So confident ako na hindi ako preggy kasi for 2 years of living together
with my hubby, eh hindi pa kami nabibiyayaan ng baby ni Lord. One time gumamit
ng deodorant yung hubby ko. Sabi ko sa kanya, “Ano ba yan? Ang baho!” Then
sabay takbo sa CR at dun ako nag-throw up. Taka siya kasi yun ang fave scent
ko. The following day iba na ang pinagamit ko sa kanya, tawas. Ayaw nya, kasi
buo yung tawas. Ba’t daw hindi ako bumili ng powdered tawas. Hahaha, nagtaray
ako at nagsabing, “Ba’t ayaw mong gamitin, babe? Di naman blokeng tawas ang
binili ko para sayo.” Buti na lang maganda mood nya nun. Then kinabukasan, same
old routine, asikaso sa hubby. By the time na mag-goodbye kiss na siya sken, I
rushed again to the CR para mag-throw up. Di na siya pumasok sa office,
instead he accompanied me sa clinic. Boom! Positive! Kaya pala…. Kaya pala ang
arte ko, hahaha.
Super duper happy si hubby, kaya todo ang pagiging sunod-sunuran
nya sa mga gusto kong kainin. Minsan nga may pagka-OA na nga ako. Like one
time, I was craving for Sizzling Sisig. I called him up and asked him to buy me
one and syempre payag naman agad si hubby. When he asked me where to buy? I
said, “Gusto ko, Sisig ng Cowboy Grill, Mabini, babe.” Bigla siyang natahimik
and then he said, “Babe, remember dito sa Cubao ang office ko? Di ba pwedeng
dito na lang ako buy ng Sisig mo?” Di ako pumayag at sabi ko basta ang gusto
ko, Sisig ng Cowboy Grill, Mabini. Dumating si hubby, dala ang Sisig. I checked
the receipt, Cowboy Grill, Mabini nga! Very good! Pero nung dinner time na, all
of a sudden ayoko ng kainin yung Sisig, instead sa kanya ko pinakain at gusto ko
yun lang ang ulam nya. Kaloka noh? Thanks to him at mahaba pacencia
nya.(biskwit lang?) Lol.
Lahat ng fave ko nung di
pa ko preggy, eh naging hate ko while I was preggy. Yung iba naman tamad maligo at yung
iba ligo ng ligo. Others, they hate the smell of toothpaste, perfume, car
freshener etc. Pero yung iba according sa mga naka-chikahan ko, hindi sila
naka-experience ng mga unusual things like these. Hello, Mr. Science?
Paki-explain nga po ito?
Exciting ang
pagiging preggy. But after giving birth...? Yun ang mas exciting
and that’s what I’m going to share soon. Ikaw?
Ano kwento mo, ka-momsie?
6 comments:
Hi momsie, this is a nice one. Hope to read some more of your thoughts being a parent.
Yep, tnx. Expect for more ka-momsie. :)
I have a friend, she was around 6 months preggy, she told me her 'drama moments' on her pregnancy. She cries while she watch vic sotto's tide commercial. Haha, weird right???
Nice witty momsie .It's an awesome thoughts to recap during my first time momsie...:)lanie
what a funny experiences lol. nice one witty momsie
Expect the unexpected kapag preggy ka...
Post a Comment