"Dalaga ka na hindi na bata, sa
daming pagbabago, nakakapanibago..."
Parang kelan lang karga pa kita,
pinatatahan kapag umiiyak ka. Gusto mong sumama kahit saan ako
magpunta. Kahit nga sa CR humahabol ka pa. Kapag naiihi ka ay
nagpapaalam ka pa. Sobra mo akong mahal kaya ganyan ka. Hatid sa
umaga at sundo sa hapon from school kahit sched ko sa office ay
magkabuhol-buhol. Oks lang sayo kahit coins lang ang extra money mo
kasi ang katwiran mo pinagbabaon naman kita ng sandwhich and juice.
Di ka pihikan sa food, kahit ano basta edible eh kakainin mo. Ganyan
ka dati, hindi ako nakukunsumi.
Pero ngayon, ngayong dalaga ka na, iba
na ang dahilan kung ba't umiiyak ka. Hindi ka na nagpapaalam kapag
may lakad ka, at madalas pa ay laging tumatakas ka. Nagrereklamo ka
kapag small lang ang baon mo, at, grabe, mamahaling juice na ang
gusto mo. Ang gusto mo ay lagi
kitang iintindihin sa lahat ng bagay kasi, malamang ayaw mo na ng
aking gabay. Ganun?
Dalaga ka na nga, pero di mo pa rin
maiaalis sa akin na sa iyo'y mag-alala. Kaya sana ay pahalagahan mo
ang aking pagiging isang ina, dahil walang sinuman ang makakapagbigay
sayo ng tunay na pagmamahal, ako lang at hindi ang BF mo na lagi kang
sinasaktan. Pero ano nga pala ang magagawa ko kung yan ang gusto mo.
At kahit ipasok kita sa sako basta't ginusto mo, walang magagawa ang
pobreng nanay mo.
Isa lang ang hiling ko. Kahit ano pang
gimik o kalokohan ang gawin basta kailangan, pag-aaral ay tapusin!
Hinaing ng isang ina mula sa lungsod ng
Marikina.
5 comments:
so what's the noblest job in the world? being a mom.
The world needs more mom! :D
Without our moms? Paano pa? Nganga all of us.
Wahhh na touch ako as a mom. Alam ko malapit na ako dumating sa stage na yan bilang isang ina. I just hope my mga dalaga will understand and obey me.
Minsan need nting barkadahin mga anak natin for them not to keep secrets at para hindi sila ma-shy to say what they feel about everthing. Thanks, mga ka-Momsies.
Post a Comment