Tuesday, September 25, 2012

Ang Mutya ni Inay


"Dalaga ka na hindi na bata, sa daming pagbabago, nakakapanibago..."

Parang kelan lang karga pa kita, pinatatahan kapag umiiyak ka. Gusto mong sumama kahit saan ako magpunta. Kahit nga sa CR humahabol ka pa. Kapag naiihi ka ay nagpapaalam ka pa. Sobra mo akong mahal kaya ganyan ka. Hatid sa umaga at sundo sa hapon from school kahit sched ko sa office ay magkabuhol-buhol. Oks lang sayo kahit coins lang ang extra money mo kasi ang katwiran mo pinagbabaon naman kita ng sandwhich and juice. Di ka pihikan sa food, kahit ano basta edible eh kakainin mo. Ganyan ka dati, hindi ako nakukunsumi.

Pero ngayon, ngayong dalaga ka na, iba na ang dahilan kung ba't umiiyak ka. Hindi ka na nagpapaalam kapag may lakad ka, at madalas pa ay laging tumatakas ka. Nagrereklamo ka kapag small lang ang baon mo, at, grabe, mamahaling juice na ang gusto mo. Ang gusto mo ay lagi kitang iintindihin sa lahat ng bagay kasi, malamang ayaw mo na ng aking gabay. Ganun?
                                                                                                                  
Dalaga ka na nga, pero di mo pa rin maiaalis sa akin na sa iyo'y mag-alala. Kaya sana ay pahalagahan mo ang aking pagiging isang ina, dahil walang sinuman ang makakapagbigay sayo ng tunay na pagmamahal, ako lang at hindi ang BF mo na lagi kang sinasaktan. Pero ano nga pala ang magagawa ko kung yan ang gusto mo. At kahit ipasok kita sa sako basta't ginusto mo, walang magagawa ang pobreng nanay mo.

Isa lang ang hiling ko. Kahit ano pang gimik o kalokohan ang gawin basta kailangan, pag-aaral ay tapusin!

Hinaing ng isang ina mula sa lungsod ng Marikina.



5 comments:

Anonymous said...

so what's the noblest job in the world? being a mom.

Unknown said...

The world needs more mom! :D

Witty Momsie said...

Without our moms? Paano pa? Nganga all of us.

Anonymous said...

Wahhh na touch ako as a mom. Alam ko malapit na ako dumating sa stage na yan bilang isang ina. I just hope my mga dalaga will understand and obey me.

witty momsie said...

Minsan need nting barkadahin mga anak natin for them not to keep secrets at para hindi sila ma-shy to say what they feel about everthing. Thanks, mga ka-Momsies.