Sunday, May 12, 2013

"INA PARA SA ANAK"

Nung mga bata pa tayo, akala nating lahat madali lang ang maging isang ina. Nangangarap tayong maging isang "Mommy" someday. Natatandaan nyo ba na gustong-gusto nating maglaro ng bahay-bahayan dati, at pinag-aagawan natin ang position as "Mommy". LOL. 

Ngayong nasa hustong gulang na tayo, at isa na ring "Mommy", napa-isip tayo na hindi pala biro ang maging isang ina o maging ilaw ng tahanan, na hindi pala isang biro ang mag-disiplina ng mga anak, at mag-budget ng  gastusin sa bahay. Isang malaking responsibilidad na dapat sana'y nabibigyan ng konsiderasyon ng mga anak at ng haligi ng tahanan. 

Dahil ang pagiging isang ina ay isa ring "profession"... Yun nga lang, walang sweldo, at walang OT, kumbaga Biente Kwatro Oras tayong nasa serbisyo. Pero hindi natin inaalintana ito dahil buong puso nating ginagampanan ang mga responsibilidad dahil mahal natin ang ating pamilya. 
(larawan ng aking ina)

Hindi man tayo "Perfect Mom", pero ginagawa natin ang lahat para sa ikabubuti at ikatatahimik ng ating pamilya lalo na't alam natin na tayo lang ang magiging takbuhan ng ating mga anak kapag sila ay nasasadlak sa kadiliman. 

At sa mga "Single Mom"...Super Momsie ka para sa akin dahil dalawang profession ang hawak mo, ang maging ama't ina ng mga anak mo. :) (hirap nun ah!)

 Walang katumbas na kayaman para sa pagiging isang ina, kaya habang nakakausap at nayayakap pa natin sila, itodo na ang love sa kanila. :)


Kaya para sa ating mga "Nanay", Cheers! Kampay!


No comments: